Bakit kailangan mo ng apple cider? Hindi naman ito kamahalan kumpara sa iinom ka ng gamot sa oras na ikaw ay magkasakit. Narito ang ilan sa napakaraming benepisyo nito:
1. Haluan ng kauntin tubig ang apple cider at inumin ito bago mag-almusal. Nagpapababa ito ng blood sugar sa katawan.
2. Kapag nahihirapan ka naman dumumi. Ihalo ang dalawang kutsara ng apple cider sa isang basong tubig at saka ito inumin ng tatlong beses isang araw. Nagtataglay ang apple cider ng pectin, isa itong uri ng fiber na tumutulong upang magkaroon ng maayos at regular na pagdumi.
3. Sa oras na makaranas ng pagdurugo ng ilong, kumuha ng isang cotton ball at lagyan ito ng apple cider. Ilagay ang bulak sa nagdurugong ilong para maampat ang pagdurugo nito.
4. May alipunga ka ba? Ibabad lang ang paang may alipunga sa apple cider ng ilang minuto. Gawin ito sa oras na malinis na ang iyong mga paa. Saka banlawan. Mapapansin mo ang mabilis na paggaling nito.