Ang peptic ulcer ay isang kondisyon na ang inner lining ng tiyan ay sumasakit dahil sa sobrang digestive acid na lumalabas dito. Bukod sa gamot na reseta ng iyong doktor, ang pag-inom ng gatas na hinaluan ng almond powder ang isang natural na panlunas sa ulcer. Kapag humalo ang gatas na may almond sa digestive acid, ang acidity nito ay nagiging neutral. Kaya nababawasan ang pangangasim ng sikmura at natutunaw nang maayos ang pagkain.
Banlian ng 4 na minuto sa mainit na tubig ang 4 na pirasong almonds or 3 kutsarang sliced almonds. Nabibili ito sa SM supermarket sa nuts section or baking needs. Gilingin sa blender or dikdikin sa almires. Kung gagamit ng blender, haluan ng gatas ang almonds.
Ihalo sa isang basong gatas ang dinikdik na almonds. Inumin ang mixture isang beses kada araw. Mainam na gawin ito sa umaga bago mag-almusal.