Paano maging world class salesman?

Ang payo ni Joe Girard ang tinaguriang “world’s greatest salesman” na ang pinaka-effective na pagbebenta ng produkto ay maging presentable kapag humarap sa customer na tipong “to sell yourself.”

Simpleng paraan lang naman ang mga mungkahi  ni Mr. Girard para maging kaaya-aya sa ibang tao.

Maligo araw-araw, maging maayos sa iyong buhok, maglagay ng make-up kung ikaw ay babae, mag-ahit ng bigote o balbas, i-trim ang iyong mga kuko, ma­ging physically fit, at i-check ang iyong posture.

Mahalaga rin kay Mr. Girard ang respetado mong image.

Malaking points ito para pagkatiwalaan ka ng buyers mo, o baka nga naman masasayang lang ang oras at pera nila sa produkto o negos­yong inaaalok mo.

Show comments