Sa hirap at ginhawa kapiling ang pamilya

Kung ikaw ay isang OFW na nagbabalak na umuwi ng ‘Pinas tiyak na marami kang katanungan na dapat mo munang pag-isipan bago ka magdesisyon na bumalik ng bansa.

Una ay kung ilang taon ka na ba ngayon, ang iyong asawa, at mga anak mo? Magkano ang estimated amount ng expenses o gastusin ng pamilya mo sa araw-araw? Bukod sa iyong asawa at anak, ilan pa ang sinusuportahan mo o nakasalalay sa iyong kinikita sa ngayon? Ang anak mo ba ay nag-aaral pa?

May utang ka pa bang binabayaran sa ngayon? Ikaw ba financial stable na sa kasalukuyan? Anu-ano ang mga assests o naipundar mo? Sa average, magkano ba ang kinikita ng pamilya mo sa kasalukuyan n’yong negosyo ngayon? Matatag na ba ang pang­kabuhayan ninyo ngayon?

Malalaman mong puwede kang umuwi sa bansa kung kikitain mo ay mas mataas sa gagastusin ng pamilya mo at kung may maitatabi ka pang savings?

Marami pang dapat ikonsidera, pero walang kapalit na halaga ang makapiling mo ang iyong asawa at anak sa hirap at ginhawa.

Show comments