Alam n’yo bang sa fine dining ay may signal kayong magagamit para ipaalam sa waiter na tapos na kayong kumain o hindi pa, nang hindi na kailangang magsalita? Puwede mong ipaalam ang iyong “eating status” sa pamamagitan ng “code” gamit ang posisyon ng utensils.
1— Nagpapahinga lang. Kakain pa.
2— Ready sa second plate.
3— Masarap ang pagkain.
4— Tapos nang kumain.
5— Hindi nasarapan sa pagkain.
Kung hindi naman importante, huwag nang gamitin ang #5 code. Kahit tapos nang kumain, panatilihing nakapatong sa kandungan ang napkin. Kapag tatayo na at aalis, saka lang ito iwanan sa mesa, katabi ng pinggan, pero huwag sa ibabaw ng pinggan.