Alam n’yo ba na ang isang inang aso ay gaya rin ng tao na hindi nagpapabaya sa kanyang anak? Ang mga wild dog ay kinakain at nilalagay muna ang pagkain sa kanyang tiyan. Pagkatapos nito ay saka siya uuwi sa kanyang mga anak at isusuka ang pagkaing kanyang kinain saka ipapakain sa kanyang mga anak na tuta. Ang inahing agila naman ay isa-isang tinutuka ang pagkain ng kanyang mga anak saka isusubo sa bibig ng mga ito. Tumatagal naman ang buhay ng isang aso ng hanggang 15-17 taon.