Paglalagay ng bagay na may saysay

Marami rin ang nasasayang na oras sa kaha­hanap ng nawawalang bagay na kung kailan mo kailangan ay saka hindi  mo pa makita. 

Ang ending ay nagpapainit ito ng ulo sa kaha­hanap mo tulad ng susi, ballpen, damit, resibo, Meralco bill, at kung anu-ano pang bagay na nakaaabala sa oras mo na nakadidismaya pang lalo kung may importante kang lakad o gagawin.

Mas nagiging kapa­ki-pa­kinabang ang isang tao kapag siya ay organized. Nagsisimula ito sa simpleng bagay-bagay sa ­inyong tahanan.

Maglaan ng space para sa simpleng gamit na kailangang items mula sa mga damit, sapatos, o electrical na gamit. Kung magagawa mong ayusin ang pagkakasalansan mas madaling mahanap ang kailangan mo. Mas makatutulong din kapag nilag­yan mo pa ng label ang bawat box o file para may saysay dahil mas madaling mahagilap ang importanteng kailangan mong kunin o gagamiting items. Makatitipid ka pa sa oras at iwas sa abala o hussle kesa sa kaha­halungkat ng hinahanap mo.

Show comments