Tips na pampagaan ng buhay (Last part)

7 -Lagyan ng isang kutsaritang baking soda ang tubig na paglalagaan ng itlog. Ang resulta ay magiging mabilis ang pagtanggal ng shell.

8 -Kagat ng lamok? Painitin ang kutsara sa mainit na tubig. Ipatong ang mainit na kutsara sa apektadong balat. Papatayin ng init ang substance na nagiging sanhi ng pangangati.

9 - Nagiging smooth ang consistency ng cutex at magandang ipahid kung palalamigin muna ito sa refrigerator ng 15 minuto bago gamitin.

10 - Ang pagsubo ng asukal ay nakakatanggal ng hapdi sa dila mapaso ng mainit na pagkain.

11- Paano linisin ang kutson? Budburan ng baking soda ang ibabaw ng kutson. Walang amoy ang baking soda. Kung gusto mong mag-iwan ito ng bango, ispreyan ng perfume ang baking soda powder bago ibudbod. Haluin ang powder para kumalat ang perfume. Hayaan nakababad ang baking soda sa mattress ng isang oras. I-vacuum.

 

Show comments