Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang strawberry ay ginagamit na pangdekorasyon sa garden sa France? Noong 14th century iniutos ni Charles V na magtanim ng 1,200  na strawberries sa Royal Gardens of the Louvre.  Konektado rin ang strawberries sa pag-ibig  sa bansang ito, dahil tradisyon ng painumin ng maasim na strawberry soup ang bagong kasal dito. Ang isang pangkaraniwang strawberry ay mayroong 200 maliliit na buto. Ang pagkain ng walong medium size na strawberries ay may bene­pisyong hatid na  140% ng vitamin C dahil ang isang cup ng fresh strawberries ay mayroong 88 milligrams ng ascorbic acid.  Mababa rin ang calories nito.

 

Show comments