Marunong ka na ba ng Bento? Ito ay isang meal na nagsimula sa Japan na nilalagyan ng design ang pagkain para maging katakam-takam at kaakit-akit. Nagsimula lang ang Bento design sa traditional na rice, fish, meat, at nilagyan ng pickled na gulay na nakalagay sa isang lunch box para sa baon ng mga bagets. Hindi lang mga mommy ngayon ang gumagawa ng Bento design para sa tsikiting nilang hindi kumakain ng gulay na ginagaya ang mga anime, favorite hero, o comic book characters. Dumarami na ang gumagawa nito ngayon sa buong mundo. Marami nang na-develop na design cusine sa iba’t bang hotel. Pero kahit sa simpleng putahe ay makakalikha ng Bento design na paandarin lang ang inyong imahinasyon.