Mukhang kabayo

Panaginip: Hindi ko na matandaan ang eksaktong sitwasyon sa panaginip pero naisipan kong kapain ang aking mukha dahil may naramdaman akong kakaiba. Nakapa ko na naging magaspang ang aking mukha kaya tumakbo ako sa harap ng salamin. Nagsisigaw ako nang makita kong nagmukha akong kabayo. – Joey

Interpretation: Kapag nanaginip na naging kabayo, malamang na makakatanggap ka ng pera mula sa gobyerno. May ibang dream interpreter na nagsasabing kalungkutan daw ang ibig sabihin ng ganoong panaginip. Magkaganoon pa man, i-wish mong pera ang iyong matatanggap at hindi kalungkutan.

Show comments