FYI

Puwede na ngayong gamutin ang varicose vein na hindi na kailangan dumaan sa surgery na tinatawag itong sclerotherapy. Puwede na itong ipagamot sa loob lamang 5 to 15 mi­nutes sa isang out-patient medical procedure para alisin ang varicose at spider veins para sa kalusugan at ikakaganda ng iyong legs o binti. Dadaan lamang ito sa isang injection na de-retsong tatagos sa ating vein. Kasama sa procedure ang pag-alis ng lining ng blood vessel wall, na siyang nagpapamaga sa ugat kung kaya tayo nagkakaroon ng varicose vein. Kung mabilis ang reaction ng procedure ng gamutan, inaabot lang ng dalawang session ang pasyente sa sclerotherapy procedure.

Show comments