Panaginip: Nasa tindahan ako ng kabaong. Nilapitan ako ng saleslady at sinabihan na may nakareserba na raw akong kabaong. Napansin kong may patay na nakahiga sa kabaong na nakalaan para sa akin. Nainis ako sa aking kausap at sinabi kong walang puwedeng gumamit sa aking kabaong.---C. Lao
Interpretation: Kung isang empleyado, ikaw ay mapo-promote pero dalawa kayong hahawak sa iisang posisyon. O, may matatanggap kang isang mahalagang bagay pero hindi mo ito masosolo dahil may kahati ka.