Island of the Undead 36

IISA ang sumaisip ng mga nakasaksi sa karuwaheng nasa himpapawid. Nalalapit na raw ang katapusan ng mundo!

Ang foreign correspondents at mga edukadong katandaan ay pareho ang  basa sa nangyayari— lumitaw na raw ang isa sa tinatawag na  4 horsemen of the Apocalypse!

Nag-iyakan ang mga matatanda, hindi matanggap  na masasaksihan pa nila ang kalunus-lunos na scenario.

Bakit daw kung kailan sila ay nais nang pumanaw nang mapayapa?

Ang alam nila, mapapalad ang mga nauna na sa libingan, hindi na kasi masasaksihan ang END TIMES.

Silang nangabubuhay pa ang walang kasing-malas, dahil hindi makaiiwas sa mga eksenang daig pa ang isang libo’t isang bangungot!

SAMANTALA, ang pansin ng buong mundo ay napukaw ng nagaganap.

Nasa palibot na ang senyales ng nalalapit na wakas ng Sansinukob o ng buong uniberso!

Naalarma ang China, ang Nepal, ang Congo, ang Inglatera.

Ang buong Asya at kalakhang Russia ay nangilabot sa nagbabantang pagkagunaw ng mundo!

Bigla ay napuno ng mga tao ang mga sim­bahan. Naalala ng mga tao ang pagbabalik-loob sa Diyos.

Ang mga batingaw or churchbells ay walang tigil sa pagkalembang

KLEMBANGG. KLEMBANGG.

Napaluha ang  padre sa paghugos ng mga tao sa tahanan ng Diyos. Kailangan palang makadama muna ng napakatinding  panganib ang mga ito bago matauhan.

Lumaganap agad ang mga komentaryo: Kung ang unang horsemen of the Apocalypse ay lumitaw na, ibig bang sabihin—lilitaw na rin ang tatlong iba pa?

ANG HULI sa balita at hindi apektado ng END TIMES ay ang mga nasa isla ng mga Undead.

Nasa harap na ni Reyna Coreana ang dalawang plastic surgeons—ang mag-asawang Larry at Joanne.

Ang young lovers--sina Miley at Blizzard ay nasa mabahong dungeon pa rin na puno ng mga ahas!

“EEEEE! AAAHHH!” Tili  pa rin sila, sigaw nang sigaw. (ITUTULOY)

Show comments