Island of the undead 34

NASA harap na nga ng SURGEONS’ CLINIC ang tatlong UNDEAD. Dudukutin nila ang mag-asawang siruhano.

Ang tatlo—sina Bangekngek, Kurikongkong at Timbombong—ay pawang hindi nakikita, sa mahika ng reyna ay mga invisible.

Nag-doorbell sila.  DING. DONG.

Isang female assistant ng mag-asawang surgeons ang nagbukas ng pintong gawa sa narra.

Kre-e-ek. Umingit ang antigong pinto.

Napakamot sa ulo ang may-itsurang assistant. Bakit wala siyang makitang tao sa labas ng pintuan?

Sa tulong pa rin ng mahika ni Reyna Coreana, ginamitan ni Bangekngek ng hipnotismo ang ­assistant.

“Susunod ka sa lahat kong utos.”

“Opo, susunod po ako, sa lahat na utos,” tango-bulong ng assistant.

Nakapasok na sa klinika ang tatlong Undead; naroon ang mag-asawang surgeons at nananang­halian.

Nagtaka ang mga ito sa anyo ng assistant. “Miss Georgia, what happned to you? Bakit para kang tuod?”

Hindi nga nakikita ng mag-asawa ang mga Undead.

Pero dinig nila ang bahaw na tinig ni Bangekngek. “Ihanda n’yong dalawa ang lahat ninyong surgical equipments.”

Kinilabutan ang mag-asawa, nauna­waang may bad spirits sa kanilang presencia. Nanlamig sila sa takot.

“L-Larry...”

“K-kakayanin natin ‘to, Joanne...”

Sa tulong nga  ng assistant, walang choice ang mag-asawang surgeons kundi ang sumunod sa utos. Lahat nga ng portable na gamit ay inilagay sa dalawang malalaking kahon.

Sa main road  sa harap ng klinika, bumulaga sa mag-asawa ang karuwaheng may puting kaba­yong malalaki ang pakpak.

“Oh my God... s-saan galing ‘yan?”

“Sakay, dalian ninyo!” utos ni Bangekngek. (ITUTULOY)

Show comments