‘Kahit ‘di guwapo

Dear Vanezza,

Ako si Rico, binata at nagtatrabaho sa isang mall. May naging gf ako sa text. Ang sabi niya mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko rin siya. Pero nung magkita kami, hindi ko akalaing maputi siya at maganda. Ako naman ay hindi guwapo. Mula nang mag-meet kami ng personal ay hindi na siya nag-text sa akin. Nagpalit na rin siya ng number. Hindi ko naman kasalanan na maging pangit sa paningin niya at siya ay maganda. Ano pong maipapayo ninyo sa akin.

Dear Rico,

Huwag kang masiraan ng loob. Marami d’yan na hindi guwapo pero nakakapag-asawa ng maganda. Hindi sila tumingin sa kakisigan ng lalaki kundi sa ugali. Katuwiran nila, aanhin ang guwapo kung babaero, lasenggo, umbagero at gugutumin ka lang. Hindi mo kasalanan kung hindi ka guwapo. Pero ang kaguwapuhan ay panlabas lang at kumukupas. Ang sikapin mo ay ang pagkakaroon ng magandang ugali at karakter. Iyan ang kagandahang hindi nawawala kahit sa iyong pagtanda.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments