Alalay ng artista

Panaginip: Sa unang panaginip ay naging alalay ako ng isang artista. Hindi ako fan ng artistang iyon kaya nagtataka ako kung bakit ko siya napanaginipan. Sa ikalawa ay namatay ang aking ama. Ikinatuwa ko ang kanyang kamatayan. In real life, buhay siya at hindi kami magkasundo. – Ruth

Interpretation: Sa unang panaginip, may “uniqueness” kang taglay na hindi mo pa natutuklasan. I-research mo ang mga  katangian ng artistang napanaginipan mo, mula sa talent hanggang sa ugali nito. Maaaring may maganda kang katangian ng kagaya sa artistang bumida sa iyong panaginip. Second dream: Galit ka sa iyong ama kaya deep inside your heart ay nahihiling mong mag-disappear na sana siya sa buhay mo.

Show comments