Pinatay ang nadarama sa ‘ex’

Panaginip: Namatay ang aking ex-boyfriend. Pero buhay pa siya in real life. Nang lumapit ako sa kabaong ay nawala ang bangkay. Nawalan ng laman ang kabaong. Hinanap namin ang kanyang bangkay sa paligid ng bahay pero nabigo kami.—Rizalina

Interpretation: Ang pagmamahal mo dito sa lalaking napanaginipan mo ay hindi niya sinuklian ng pagmamahal. Ito more or less ang ibig sabihin na nawala ang bangkay. Maaaring sadya mong “pinatay” ang pag-ibig na nadarama mo sa lalaking ito dahil alam mo na wala naman itong kahihinatnan. Ito ang kahulugan ng kanyang kamatayan. Nilagyan mo ng closure ang pagmamahal mo sa lalaking ito.

Show comments