Ano ang Kapalaran mo sa August 2015?

Kalkulahin ang iyong SUN NUMBER : Birth month + Birth date (November 24 : 11 +24 = 35 reduce to single number = 8 Sun Number)

Sun Number 3 -Mararanasan mo ang lahat ng “bago”: bagong project, bagong career, bagong manliligaw. Magsaliksik ka muna bago ka mag-invest ng pera upang hindi magsisi sa bandang huli.

Ang pagbabago ng career ay mangyayari sa pagitan ng 8th to 14th. Magtrabaho nang may tiwala sa sarili. Samantala  may bago kang makikilala na mas bata kaysa iyo. Malaki ang tsansa na mangyari ito kung ikaw ay ipinanganak sa buwan ng February, April at August. Sa mga babae, mas mainam na sagutin ang manliligaw sa susunod na buwan, huwag ngayong August. Malay mo, may mabisto kang hindi maganda tungkol sa kanyang pagkatao. Mabuti na ang nakakaseguro. Lucky numbers: 3, 6, 9. Ikalawang masuwerte ang: 1, 2, 5. -Itutuloy

Show comments