100 Fengshui Cures

97—Hindi magandang magtayo ng bahay sa tuktok ng mataas na lugar lalo kung nag-iisa, dahil nakatambad ito sa 4 elements: fire, wood, water, earth, metal. Lumilikha ito ng bad energy.

98— Hindi maganda ang tatlong bato ng diamond sa engagement ring. Love triangle ang sinisimbolo nito. Maganda kung nag-iisang mala­king bato o dalawang bato. Mas malaki ang bato, mas malakas ang energy na naibibigay nito sa magsusuot.

99— Magdispley ng figurine ng rooster sa iyong office desk upang hindi ka intrigahin. Ang rooster ay may palong. Kung walang palong, ito ay manok. Walang effect kung figurine ng manok ang iyong gagamitin

100—  Sa naghahanap ng mapapangasawa, pasiglahin ang southwest corner sa pamamagitan ng paglalagay dito ng lamp shade na 5 feet high. Buksan ang ilaw sa magdamag hangga’t hindi natutupad ang ninanais. Paligiran ang bedroom ng pares na paruparo,  ibon, ducks. Huwag magdidispley ng mababagsik na hayop.

Show comments