Dear Suzy,
Tawagin mo na lang akong Suzy ng Malabon, 25 years old at buntis sa pagkadalaga. Akala ko tototohanin ako ng bf ko. Noong una kasi lagi kaming magkasamang nangangarap. Kesyo magtatayo kami ng business at bubuo ng masayang pamilya kaya tiwalang-tiwala ako sa kanya. Isang buwan pa lang kami mag-on ay pumayag na akong ibigay ang pagkababae ko. Naganap ang una at naulit pa hanggang sa mabuntis ako. Nang mag-pregnancy test ako ay positive. Hindi naman ako kinabahan dahil ang akala ko ay matutuwa ang bf ko. Pero nang sabihin ko ito sa kanya ay para siyang nanlumo. Lalo pa akong nagalit nang itatwa niya ang bata at sabihing baog daw siya. Two weeks na siyang hindi nagpapakita sa akin ngayon at nasabi ko na ang problema ko sa aking mga magulang. Naunawaan naman nila ako pero galit na galit sila sa bf ko. Ano ang gagawin ko?
Dear Suzy,
Niloko ka lang niya kaya kalimutan mo na siya. Kung gusto mong maghabol, kumonsulta ka sa abogado. Binata ba ang bf mo? Kung may asawa siya, malamang sustento na lang sa magiging anak n’yo ang puwede mong habulin. Maging aral sa’yo ang nangyari at matuto mula sa karanasang ito.
Sumasaiyo,
Vanezza