Maraming tao, lalo na ang mga babae ang pinoproblema ang kanilang magaspang na paa. Ito ay bukod sa hindi mabuting pakiramdam, hindi rin magandang tingnan. Minsan, hindi mo alam kung ano ang nagiging dahilan at bigla na lang nagkakabitak-bitak ang balat sa iyong paa. Kaya ang resulta, kailangan mo ng bumili ng mga mamahalling gamot dito. Kaya naman narito ang ilang simpleng paraan para mapagaling at mapaganda mo ang iyong matigas na paa.
Linisin ang paa – Hindi mo kailangan na hintayin ang oras ng iyong paliligo. Ang kailangan mo lang gawin ay palaging tiyakin na malinis at palaging tuyo ang iyong paa. Sa oras na malinis na ito ay lagyan ng petroleum jelly at saka magsuot ng medyas. Sa ganitong paraan ay lalambot ang mga dead skin cells mo sa paa at pagligo mo kinabukasan ay kasama na itong matatanggal. Kung araw-araw mo itong gagawin ay hindi mo mapapansin ang paglambot ng iyong paa at paggaling nito mula sa pagkakabitak-bitak.
Tubig at panghilod – Kung mayroon ka naman sapat na oras. Bakit hindi ka muna mag-foot scrub sa loob ng inyong bahay? Maglagay ng plangganang may maligamgam na tubig at ibabad ng ilang minuto ang iyong mga paa. Matapos nito ay kumuha ng isang batong panghilod at kuskusin ang iyong mga paa. Kapag nakitang mapula na ang paa ay saka ito tuyuin.