Dear Vanezza,
One year kami nagsama ng bf ko at buntis ako ngayon. Ang problema ko ay iniwan niya ako ng malamang buntis ako at ang balita ko ay pokpok ang kinakasama niya ngayon. Malapit na po akong manganak. Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko. Hindi pa alam ng mga magulang ko. Payuhan po ninyo ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. - Bebe
Dear Bebe,
Ipagtapat mo sa iyong mga magulang ang kalagayan mo. Sila ang dapat na karamay mo ngayon at nagpapalakas ng iyong loob. Huwag mong sarilinin ang problema. Katuwangin mo ang iyong pamilya sa pagpapalaki at pagtataguyod sa iyong anak. Kalimutan mo na rin ang bf mo dahil pinatunayan lang niya na wala siyang kuwentang lalaki. Ginamit ka lang at ng mabuntis ay iniwan. Ngayong magkaka-baby ka na, ang future niya ang dapat mong paghandaan. Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral at sikaping makatapos upang gawing pundasyon sa paghahanap ng trabaho. Maging aral din sa’yo na hindi dapat ibinibigay ang sarili sa lalaking hindi mo pa naman asawa. Ikaw ang lugi kapag nagkahiwalay kayo.
Sumasaiyo,
Vanezza