Pamahiin sa Russia

Kung umalis at muling bumalik ka sa inyong bahay dahil may nakalimutan kang dalhin, siguraduhing tumingin muna sa salamin at saglit na titigan ang sarili bago umalis ng bahay upang hindi humiwalay sa iyo ang suwerte. Kaya sinasabi ng matatanda na hindi maganda ang pabalik-balik sa bahay kapag may importanteng lakad.

Bad luck manalamin sa basag na mirror.

Ang itim na pusa ay malas sa negosyo kaya nag-aantanda (sign of the cross) sila kapag may nakasalubong bilang pangontra.

Kapag maybibiyahe, huwag lilingon sa likuran upang hindi humiwalay ang suwerte sa ating katawan.

Hayaang may nakakakalat na coins sa iyong bag, drawer o cupboard upang magsilbi itong pang-akit nang sa ganoon ay maraming dumating na­­­ pera sa iyong buhay.

Kaliwang kamay ang gamitin para ipangtanggap ng pera. Kanan naman  ang gamitin  kung magbibigay ng pera.

Huwag mabilang ng pera sa gabi. Huwag din magpapautang sa gabi. Mauubusan ka ng pera kung gagawin mo ang mga nabanggit.

Itutuloy

Show comments