Ang Katotohanan Tungkol sa New Moon

Note: Malalaman ang schedule ng New Moon sa kalendaryo.

--Masuwerteng magtanim, magsimulang manligaw, magbukas ng negosyo at simulan ang paglalakbay sa panahon ng New Moon.

--Upang mas mabilis ang paghaba, mainam na sa New Moon magpagupit ng buhok.

--Sa sinaunang English tradition, baliktarin ng babaeng bagong kasal ang kanilang kama sa pinakaunang New Moon pagkatapos siyang ikasal upang makaseguro ng masayang buhay may asawa.

--Kapag nasulyapan ang New Moon, maghagis ng silver coin paitaas at saka mag-wish.

--Magandang suwerte ang naghihintay sa iyo kung nakakita ng New Moon sa araw ng Lunes.

--Kung napalingon ka sa iyong kanang balikat at nasulyapan mo ang New Moon, susuwertehin ka  sa mga susunod na araw.

--Mag-wish habang nakatitig sa New Moon at tiyak na matutupad iyon sa loob ng isang taon. (Itutuloy)

Show comments