Alam n’yo ba na ang isang gripo na may “leak” o tumutulo kahit pa ito ay nakasara ay may na-aaksaya pa rin na 10-100 galon ng tubig kada araw? Mas matipid sa tubig kung nililinis mo ang iyong mga kubyertos gamit ang dishwasher. Bakit? Ang isang bagong dishwasher ay kumukunsumo lang ng anim na gallon ng tubig habang ang isang 15-taong dishwasher ay 14 galon naman ng tubig ang inuubos. Ngunit ang paghuhugas ng mga kubyertos sa loob ng 15-minuto ay kumukunsumo ng 30 galon ng tubig. Ang mga bagay na pang-Agrikultura ay umuubos ng 70% ng tubig sa buong mundo.