Ang Propesyon at Address Number

I-add lahat ng numero ng iyong bahay hanggang sa ma-reduce ito sa single number. Tingnan mo sa listahan kung compatible ang iyong hanapbuhay sa number ng iyong bahay:

# 1—Susuwertehing  tumira sa # 1 house ang athlete; negosyante; ang trabaho ay nangangaila­ngang magbiyahe at mga estudyante.

# 2—Susuwertehing tumira sa # 2 house ang  gardener; social worker; teacher; counselors.

# 3—Entertainers; manunulat; artist; pulitiko, call center agent, brodkaster o anumang propes­yong may kaugnayan sa communication.

# 4—Accountant, engineer/builder; architect; banker; chef; gardener; crafts-people.

# 5—Teacher, manunulat, travelers, travel agent at driver.

# 6—Nurse, caregi­ver, doktor, social worker at iba pang propesyong may kaugnayan sa pangangalaga ng kapakanan ng ibang tao.

# 7—Scientist, psychologist, minister, teacher, researcher, historians, philosophers.

# 8—Negosyante, doktor, pulitiko, manager, athletes, celebrities.

# 9—Spiritual teachers, artist, philosopher, nurse, doktor, healer, caregiver, humanitarian, clergy, world travelers.

Paano kung pagkatapos ng addition ay naging 11, 22 at 33 ang answer? Huwag na itong i-reduce sa single number dahil master number ang tawag sa tatlong nabanggit. Ang 11 ay kabilang sa house # 1 at 2; ang 22 ay sa house # 2 at 4 at ang 33 ay sa house # 3 at 6.

 

 

 

 

Show comments