Alagaan ang iyong ‘bird’

Isa rin ang bayag at penis sa pinakasensitibong bahagi ng katawan ng lalaki. Narito ang ilang gabay sa pangangalaga ng bayag (scrotum) ng “bird”at “balls”;

1. Iwasan ang masyadong masisikip na pang-ilalim na damit, salawal o pantalon.

2. Laging magsuot ng pang-ilalim na gawa sa telang cotton na nagbibigay suporta sa bird.

3. Magpalit kung basa o napawisan ang pa-ilalim na suot.

4. Magsuot ng angkop na proteksyon  at suporta tulad ng athletic cups kapag may gagawing mabigat na trabaho at llalahok sa mga palaro.

5. Kinakailangang obserbahan ang mga patak ng pagdidiskarga mula sa ari ng lalaki: ito ay mamaa­ring maging makapal at madilaw o maaa­ring  ito ay matubig o bahagya lamang.

6. pagbabago sa amoy (masangsang na amoy) o kulay ng semen

7. May nararamdamang kirot habang nakiki­pagtalik o kapag umiihi o nag-e-ejaculate

8. may nararamdamang kirot o pana­nakit sa pelvic area.

9. Chancer sores (mga red sores na hindi masakit) sa genetal area, anus, dila at lalamunan

10. Kulay-balat o mamula-mulang bukol, sores o maliliit na sugat sa balat ng ari na maaaring makati at maaari rin namang hindi.   

11. Maliliit na blisters na maaaring ma­ging scabs o mala-gilas sa genetal area.

12. Malalambot, kulay-balat, mala cauliflower na warts sa palibot ng genetal area.

 

Mga kabutihan ng paggugupit ng buhok sa paligid ng “bird”

1. Masarap sa pakiramdam

2. Nakakaalis ng mabahong amoy

3. Maiwasan ang pangangati

4. Nakakabawas ng pamamasa na nagdudulot ng yeast na pinagmumulan ng impeksyon.

Karamihan sa mga kalalakihan ay nagsasabi  na kailangang kuskusin ang “bird”  ng maigi upang matiyak ang kalinisan. Pero ang gawang ito ay mali dahil isa ito sa bahagi ng kalalakihan na pinaka sensiti bo kaya ibayong pag-iingat ang kinakaila-ngan sa paghuhugas ng “bird”. Gumamit ng sabong hindi gaanong matapang upang maiwasan ang iritasyon at rashes sa iyong “bird”. Panatilihing laging tuyo ang labasan ng ihi.  Gumamit ng maligamgam na tubig at lagyan ng konting asin. Kung may patuloy na pamumula at iritasyon ay kinakailangang kumunsulta agad sa iyong pinagkakatiwalaang doctor. Kung ang isang lalaki ay aktibo sa pakikipagtalik sa iba’t ibang partner marapat na magkaroon ng buwanang pag-check up sa iyong genental upang makatiyak ang kaligtasan sa “Sexually Transmitted deases”.

Show comments