Panaginip: Winisikan ko ng perfume ang aking buong bahay dahil amoy tae ng pusa. Naubos na ang perfume pero naroon pa rin ang mabahong amoy.---every_breath_i-take’92
Interpretation: May sitwasyon sa iyong buhay na nais mong baguhin. Ikaw ang sinisimbolo ng bahay. Puwede rin may sikreto kang itinatago dahil alam mong hindi ito magiging katanggap-tanggap sa iyong pamilya. Pero anu’t anuman, mabubunyag din iyan. Ang baho ay sumisingaw, kahit pa itago sa sangkaterbang pabango.