Sandaang mumunting halimaw (13)

SA TRAUMA section, mabilisang ini-interview si Primo. Sa oras na ito ay ma­baliw-baliw na sa sakit ang masamang lalake. Isa si Primo sa mga nang-rape sa diwata ng batis, si Shirya. “Ano po ang sumasakit sa inyo, sir?” tanong ng nurse. Kinukunan na ng vital signs si Primo.“Ang katawan ko, kinakain ng mga halimaw... do something, mga hinayupak kayooo...”“Nurse, turukan mo ng sedative,” utos ng malusog ng surgeon, halatang maikli ang pasensiya. Kaydaling napakalma si Primo. “Alisan ng damit...”Nakita ng nurse at ng malusog na duktora ang nakagigimbal na mga halimaw. Hindi makapaniwala ang duktora, sindak na sindak.“EEEEE!”

Napasigaw ang nurse, karipas nang takbo palabas. Maging ang yung doctors na nag-o-observe ay mga napamulagat. Hindi nakayanan ng malusog na duktora ang nakakikilabot na mga halimaw, sa ibabaw ng tiyan ni Primo. UUUNNN. Inatake sa puso ang duktora, naupos na parang kandila, lumatag sa floor na  baldosa. Matinding heart attack. Hindi nana-revive ang butihing manggagamot. Tuluyang namatay. Tulog si Primo sa ibabaw ng observation bed. Nakatanaw ang young doctors at ilang nurses mula sa safe distance. Kitang-kita pa rin nila ang nagkikislutang mga halimaw na nakaugpong sa katawan ng pasyente. Isang young doctor na lalake ang nag­lakas-loob. Kumuha ito ng mahaba-matalas na gunting.“Doctor Reyus?” “Ako’ng bahala, nurse...” Humakbang palapit kay Primo ang duktor.

Ibinuka ang gun­ting.“Magsilayo kayo,” utos ni Doctor- Reyus sa mga nurse. Sunod naman ang mga ito agad.TSAK. Big­lang ginunting ni Dr. Reyus ang isang halimaw. (ITUTULOY)

Show comments