Alam n’yo ba na ang salitang “Easter” ay mula sa Anglo-Saxon goddess na si “Eastre” na sumisimbolo sa itlog at dayami. “Pysanka” ang tawag sa pagpipinta ng Easter egg. Mula pa noon, ang itlog ay sumisimbolo sa bagong buhay. Kapag mayroong chocolate bunnies, 76% ng tao, ang unang kinakagat dito ay ang tenga ng bunny. Tuwing Easter o Mahal na Araw, ang “red jellybeans” ang pinakapaboritong kainin ng mga bata. Sa America, ipinagdiriwang ang Easter sa pamamagitan ng “Easter egg hunt” sa loob ng bakuran ng White House. Ang pagbibigayan ng itlog tuwing Easter ay mula sa kaugalian ng mga Egyptians, Persians, Gauls, Greek at Romans.