(Last part)
7. Alamin ang maagang sintomas ng angina pectoris. Nangangailangan ang puso ng maraming dugo para maging normal ang trabaho nito. Kapag ang coronary arteries ay nabarahan ay hindi nito maibibigay ang tamang dami ng dugo na kailangan ng puso. Kapag hindi na suplayan ng tamang dami ng dugo ang puso ay maaaring makaranas ng kondisyon na tinatawag na angina pectoris. Ang angina pectoris ay makakaramdam ng paninikip ng dibdib at mahihirapan sa paghinga.
8. Panatilihing normal ang lebel ng blood sugar. Sa mga taong may mataas na blood sugar level ay tumataas ang panganib na magkaroon ng diabetis na karaniwan na mayroon ding mataas na lebel ng body fat, cholesterol at blood lipids (fats) na nagiging sanhi ng atake sa puso.
9. Alamin ang mga sintomas ng atake sa puso. Dapat malaman ang mga sintomas ng atake sa puso kagaya ng hirap sa paghinga, pakiramdam na parang pinipiga o masakit ang gitna ng dibdib, pananakit na nararamdaman sa balikat, leeg braso, hilo, nahihimatay at nagsusuka. Kapag naramdaman ang sintomas na nabanggit maaaring ikaw ay nakakaranas ng atake sa puso at nangangailangan ng atensyong medikal at kailangan malapatan ng lunas sa pinaka malapit na ospital.