Sex gustong regalo ng mga lalaki tuwing V-Day?

Dahil Valentine’s Day ngayon, magandang pag-usapan ang tungkol sa relasyon. Uso ang pagbibigayan ng regalo ng mga magsing-irog.

Ayon sa “Valentine;s Day Survival Guide”, karamihan sa mga babae ay mas pinipiling makatanggap ng bulaklak, alahas, chocolate at kahit na simpleng card kumpara sa underwear. Habang 43% ng mga babae ay umaasang makakatanggap ng bouquet at 20% naman ng mga babae ang gusto ng sex bilang regalo sa Valentine’s Day.

Gayunman, hindi ipagpapalit ng mga lalaki sa anumang regalo ang sex. Sa survery, 50% ng mga lalaki ay mas pinipili ang magbakasyon sa mga probinsiya o sa abroad para magkaroon ng “intimate moment” sa kanilang partner.

Pero lumabas din na one-third ng mga lalaki at babae ay walang pakialam sa Valentine. Habang 17% ng mga lalaki at 6% ng mga babae ang nagsasabing wala silang gustong matanggap na regalo sa Araw ng mga Puso lalo na at wala pang isang buwan silang nagde-date. (mula sa www.yahoo.com)

Show comments