Alam n’yo ba na ang mga gusali noong unang panahon ay gawa mula sa dahon, putik at lubid? Dahil dito, mabilis na nasisira ang mga gusali at bahay noon. Pero kalaunan natuto na rin ang mga tao sa Greece na gumawa ng palasyo at templo na gawa sa bato. Isa sa mga itinayo noong 9000 BC ay ang templo na Gobekli Tepe sa Turkey. Noong 7000 BC naman ay nakagawa ang mga Sumerians ng kanilang templo na tinawag na “Ziggurats” at ang Pyramid ng mga Egyptians.