Susuwertihin ba ’pag nag-abroad?

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Noriel. May trabaho po ako pero sa hirap ng buhay ngayon at liit ng sahod ay parang hindi na sumasapat ang kinikita ko. Gusto ko po sanang mag-abroad para matupad ang pangarap namin ng gf ko. Tumataya rin po ako sa lotto pero hanggang ngayon hindi ako tumatama. Paano kaya ako susuwertihin?

Dear Noriel,

Walang masamang maghangad na umasenso. Lahat tayo’y nangangarap ng magandang buhay. Pag-aralan mo kung dito ba o sa abroad ka magkakaroon ng magandang kita at komportableng trabaho. Maganda rin ang plano n’yo na mag-ipon muna bago lumagay sa tahimik. Ang pag-aasawa’y hindi lang puro pag-ibig. Kailangan na financially stable rin para sa future ng inyong magiging mga anak. Ok lang tumaya sa lotto, pero hindi rito dapat iasa ang iyong kinabukasan. Samahan mo ng panalangin ang bawat mong gawa at natitiyak kong magtatagumpay ka sa anumang minimithi mo sa buhay.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments