Feng Shui Do’s & Dont’s sa Relo

Last Part

Don’t

Huwag idispley ang relo na nakaharap sa front door.

Huwag idispley ang relo sa dining room. Sumisimbolo ito ng “kamatayan” o laging minamadali ang pagkain na masama sa kalusugan.

Huwag gumamit ng ma­laking relo lalo na at maliit lang ang bahay. Mas maliit mas mainam.

Huwag hayaang naka-off ang relo. Ibili kaagad ng battery. Sinisimbolo nito ay “death”,  paurong na buhay at limitadong oportunidad.

Huwag ilalagay sa East ng salas o kabahayan ang relo. Resulta ay mabigat na sakit, maraming problema sa buong pamilya o sa panganay na lalaki.

Huwag ilagay sa pinakamataas na bahagi ng din­ding. Sinisimbolo nito ay “death”.

Show comments