Alam n’yo ba na hindi ang buto ng siling labuyo ang nagdudulot ng maanghang na lasa nito? Ang nagdadala ng anghang nito ay ang kulay puti na tila balat na kinakapitan ng buto. Nasa bahaging ito ang pinakamataas na lebel ng capsaicin na siyang nagbibigay anghang sa sili. Malaki rin ang naitutulong ng sili sa taong may hika dahil nagdudulot ito ng init sa katawan.