Ano ang sanhi ng chronic urticarial?
Tumutulong ang antibodies para patayin ng mga germs na nagiging sanhi ng impeksiyon. Sa autoimmune diseases ang katawan ay gumagawa ng parehong antibodies (autoantibodies) na umaatake sa normal cells. Sa urticaria, ang antibodies ay nakadikit sa cells sa ilalim ng balat na sanhi ng paglabas ng histamine at iba pang kemikal. Ang dahilan ng paglabas nito ay hindi pa malinaw.
Allergy sa pagkain, gamot at parasitiko (katulad ng bulate sa tiyan) na nagiging sanhi ng pabalik-balik ng (chronic) urticaria. Kailangan ng agarang konsultasyon sa espesyalista sa balat upang masuri ang anumang sanhi at gamutan dito.
Physical urticaria. Ang pinaka karaniwang halimbawa nito ay ang dermatographism (dermatographia) – pamamantal na nade-develop sa bahagi na nahampas, kamot at pagkaskas ng balat sa mahihigpit na damit. Ang iba pang sanhi ng pamamantal nito ay init, lamig, emosyon at matinding init ng araw.
Ang germ (bacterium) na tinatawag na Helicobacter pylori (H. pylori) na karaniwan na matatagpuan sa bituka ay isang dahilan ng urticaria.
Dapat ba katakutan ang urticarial?
Karaniwan ang pamamantal ay makati. Ang bawat pantal ay karaniwang tumatagal ng 24 oras. Maaaring magpabalik-balik ang pamamantal at ang kating nararanasan ay puwedeng magpabalisa at magpahirap sa pagtulog. Ang pag-ulit ng angio-oedema ay maaaring maging resulta sa hirap sa paghinga.
Minsan ang mga pantal ay lumalabas ng buong araw at minsan ang pantal ay mawawala ng ilang oras. Ang paglala ng pantal at pangangati ay nakadepende sa taong nakakaranas nito. Ang ilang bagay katulad ng init, lamig, menstrual periods, stress, emosyon ay maaaring magpalala sa pantal at nararamdamang pangangati.