MALUPIT mag-dialogue ang bading, pinamumulahan ng mukha sa galit dito si Avery.
Walang tigil ang bunganga ng bakla, parang manok na putak nang putak. “Akala mo ba ay malinis ka, ha, mars? Tiyak kong super-super makasalanan ka kaya ka nagdurusa ngayon!”
“Tumigil ka, hindi ako makasalanan!”
“Oh, yeah? Kung gano’n, bakit ka pinarusahan ng Diyos? That is my million dollar question, hitad!”
Hindi alam ni Avery ang kahulugan ng ‘hitad’. Ayaw na niyang alamin, tiyak kasing negatibo.
“Ayaw mong magtapat, ha? Well, ako ang huhula sa mga kasalanan mo, ipokrita! Nanlalaki ka noon nang walang pahinga, ano?
“Kahit siguro mga may-asawa ay kinakama mo! Baka nga kahit banal na padre e inookray mo!”
Hindi na napigil ni Avery ang panggigigil. Dinaluhong niya ang bading at pinagsusuntok sa bunganga.
PUG-PUG-POG.
Sunud-sunod na suntok iyon, lahat ay tumatama sa malupit na bunganga ng bakla.
PUG-PAG-BUG.
“Tama nah! Tama naahh!” sigaw ng alanganin, suko, taas ang kamay.
Sa paningin ni Avery, umaagos ang masaganang dugo sa bunganga ng kaaway. Bahagya nang napawi ang galit niya rito.
Umiiyak ang bakla, parang inapi. “Napakasama mo palang magalit. At daig mo pa si Ronnie Poe kung manuntok. Hu-hu-huyy.”
“Bakit mo ako nakikita?” kunot-noong tanong ni Avery.
“Didn’t I tell you—na pareho tayo ng kalagayan? Tayong dalawa ay umani ng Wrath of God!”
Wrath of God, matinding galit ng Diyos sa mga makasalanan. Hindi ito maunawaan ni Avery.
“Ako’y pinalaki na may takot sa Diyos. Hindi ako sinner”.
“Talagah, ‘day? Abah, katakataka-takahh!” (Itutuloy)