Nakakaranas ka ba ng pamamantal na medyo makati na umaabot ng ilang linggo bago mawala? Baka ikaw ay may urticaria na. Isang kondisyon ito na kung saan makakaramdam ng pangangati at pamamantal na umaabot ng anim linggo o mahigait pa. Ang sanhi ng pamamantal ay hindi pa natutuklasan. May mga taong nakakaranas din ng pamamaga ng labi, dila at iba pang bahagi ng katawan. Maaaring gumamit ng mga gamot na antihistamine upang malunasan ang anumang sintomas nito.
Urticaria (minsan tinatawag din itong hives) isang makating pamamantal na sanhi ng maliliit na amounts ng mga likido na tumatagas mula sa blood vessels sa ilalim ng balat. May iba’t ibang klase ng urticaria kagaya ng:
Acute urticaria – kapag ito ay biglaang sumibol at tumagal lang ng mas mababa sa anim na linggo. Karamihan sa kaso nito ay tumatagal ng 24-48 oras. Isa sa anim na tao ay makakaranas ng urticaria sa boung buhay nila. Anumang edad ay maaaring maapektuhan nito na minsan ay paulit-ulit pa.
Chronic urticaria – Ito ay mas matagal na nanatili kumpara sa acute urticaria. Sa chronic urticaria ang pamamantal ay sumisibol sa lahat ng araw sa loob ng anim na linggo. Mga 1 sa 1,000 na mga tao ay nakakaranas ng chronic urticaria sa kanilang buhay. Mga iba pang sintomas?
Ang paglitaw ng pantal at pangangati ay maaaring magdulot ng pagkabalisa.
Iba pang kondisyon na tinatawag na angio-oedema na lumalabas paminsan-minsan sa mga taong may mga persistent (chronic) urticaria. Sa kondisyon na ito ang likido ay tumatagas sa mas malalim na bahagi ng tissues sa ilalim ng balat na nagiging sanhi ng pamamaga nito.
Ang pamamaga sa angio-oedema ay maaaring lumabas sa iba’t ibang parte ng balat na karaniwan sa talukap ng mata, labi at sa genetals.
Kung minsan ang dila at lalamunan ay naaapektuhan na rin at namamaga. Sa pamamagang nararanasan ay maaaring maging sanhi ng hirap sa paghinga.
Tumatagal ang sintomas ng angio-oedema kesa sa urticarial weals. Tumatagal ang pamamaga hanggang tatlong araw.
Ang isa pang halimbawa ay ang vasculitic urticaria na biharang lumabas. Tumatagal ang pamamaga nito hanggang 24 oras, karaniwan ito ay mahapdi, nagiging dark red, at nag iiwan ng red mark sa balat kapag ang pamamaga ay nagpatuloy.