Takot na gawan ng masama ng stepfather

Dear Vanezza,

Ako po si “Ysel”, 15 years old. One year pa lang po namatay ang tatay ko at isang anak lang ako. Nitong nakaraang Pasko, nabigla ako dahil may ibang lalaking nakatira na sa aming bahay. Nang tanungin ko po ang nanay ko, nagalit siya. Kaila­ngan daw niya ng katuwang sa buhay kaya huwag ko siyang pakialaman. Kaya lang po napansin ko na masama ang tingin sa akin ng kinakasama ng nanay ko na parang gusto niya akong hubaran. Minsan nahuli ko rin siyang sinisilipan ako sa banyo at minsan kapag nagbibihis. Sa squatter po kami nakatira. Natatakot po ako na baka  pagsamantalahan niya ako. Ano po ang gagawin ko?

Dear Ysel,

Isumbong mo sa iyong nanay ang ginagawa sa iyo ng stepfather mo. Kung kukunsintihin niya ang tatay mong hilaw at sa kanya pa kakampi, magsumbong ka sa kaanak n’yo o sa pulis. Ipa-blotter mo ang ginagawa niya sa’yo. Huwag mo ring ha­yaang magsolo kayo ng la­laking ‘yun sa inyong bahay. Kung wala ang nanay mo, umalis ka rin o kaya magpunta ka sa mapagkakatiwalaang kamag-anak o kaibigan. Makatutulong din kung hihingi ka ng tulong sa DSWD dahil ikaw ay menor de edad pa. Naniniwala akong matutulungan ka nila. Kumilos ka habang maaga at wala pang nangyayaring masama sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments