Mga Sustansiyang Kailangan ng Katawan
Bitamina A. Mahalaga ito para sa matigas na buto, upang mapanatili ang mucous linings, at pananariwa ng selula ng balát. Mahalaga rin ito sa tendons at muscle tissues. Matatagpuan ito sa mga butil, sariwa o prutas, gulay, munggo, mantika, karne, at isda.
Bitamina B6. Kinakailangan ito para sa kalusugan ng isip at pangangatawan. Mahalaga rin ito para mapalakas ang panlaban sa sakit. Sumusoporta ito sa metabolismo, lalo na sa protina. Binabalanse ng B6 ang mga hormone at dinudurog ang mga taba at carbohydrate. Nakatutulong din ito upang makabawi sa pagod at pamimintig ng laman, at maiwasan ang pananakit ng likod. Taglay ito ng mga buto ng sunflower, prutas, saging, soya, at mani o kasoy.
Bitamina B12. Mahalaga ito para sa pagbubuo at pananatili ng red blood cells at sanhi ng pagiging magana sa pagkain. Nakapagpapataas ito at naglalabas ng enerhiya. Matatagpuan ang B12 sa mga pagkaing hango sa karne at gulay, isda, itlog, gatas, damong-dagat, at kabute.
Bitamina C. Ito ang ascorbic acid at kung sasamahan ng vitamin E at betacarotene (galing sa vitamin C) ay bumubuo sa antioxidants. Kinakailangan ito para sa produksiyon ng collagen, na mahalaga sa paglaki at pag-aayos ng mga selula sa kalamnan. Matatagpuan ito sa prutas at gulay, at kabilang dito ang sitrus, istroberi, kiwi, bayabas, kahel, currant, kamatis at hilaw na siling labuyo.
Bitamina E. Ito ang makapangyarihang antioxidant. Matatagpuan ito sa hilaw na gulay, mantika, , abokado, at butil ng trigo.