Alam n’yo ba na ang pinakamalaking piling ng saging sa buong mundo ay mayroong 473 piraso nito? Ito ay nagmula sa Kabana SA at Tecorone SL (Spain) sa isla ng El Hierro, Canary Island, Spain. May bigat ang piling ng saging na ito ng 130 kilos o 287 lbs na nadiskubre noong July 2001. Pinaniniwalaan naman ng ilan na ang balat ng saging ay maaaring gamitin bilang pampakintab ng sapatos bukod sa mayaman ito sa potassium. Mayroon naman 44-katao na may apelyidong Banana na nakatala sa whitepages.com ng U.S. Nakarating ang saging sa Amerika noong 1804 at ibinenta dito ng 10 sentimo kada isa. Mayroong 5000 uri ng saging.