9 Ritwal na pang-lovelife (2)

Narito ang iba’t ibang simpleng ritwal na may kinalaman sa lovelife:

4— Kumuha ka ng ilang hibla ng buhok ng iyong lover. Kumuha ka rin ng sarili mong buhok. Pagsamahin ang inyong buhok. Pilipitin ang buhok nang pakanan ng siyam na beses. Talian ng pulang tali ang magkabilang dulo ng buhok. Itago sa locket. Dalhin lagi sa katawan/bulsa ng damit ang locket upang hindi kayo magkahiwalay.

5— Upang isipin ka niya o mapanaginipan lagi, pahiran ng rose oil or orange oil ang four corners ng litrato niya at ilagay mo ito sa ilalim ng iyong unan.

6— Sa mga naghahanap ng bagong makakarelasyon, magsindi ng red candle sa harap ng imahe o picture ni Santa Barbara. Ipanalangin na ma­ging attractive ka sa iyong soulmate. (Itutuloy)

Show comments