Maraming uri ng gulay ang nagbibigay ng magandang kalusugan sa ating katawan. Isa na rito ang patatas. Hindi lang ito mahusay pagkunan ng carbohydrates kundi mabisa rin itong gamitin para maibsan ang sakit sa ulcer. Batay sa isang pagsisiyasat sa Manchester University, nadiskubre nilang kayang tulungan ng mga molecule mula sa patatas ang nasabing sakit. Nakakatulong rin ang patatas sa pamamaga ng ilang bahagi ng katawan sa loob o labas man nito.
Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto ang pagkain nito araw-araw o di kaya ay pag-inom ng potato juice bilang supplement ng katawan.
Base pa rin sa kanilang pag-aaral, ilang Scientist ang nakatuklas na ang mga properties na mula sa patatas ay maaaring gawing gamot na walang side effects sa katawan. Kasunod nito ay ang paglulunsad nila ng potato yogurt na mabisang probiotic drink.
Ang pag-aaral na ito ay mula kay Ian Roberts, propesor mula sa microbiology- Faculty of Life Science, na kumain umano ng isang recipe mula sa patatas araw-araw upang gamutin ang kanyang sakit sa tiyan.
Natuklasan niyang puwedeng gamiting “preventive measure” ang potato juice para pahintuin ang pamamaga ng loob ng tiyan. (www.tipsnikatoto.info)