Mga Lunas para maiwasan ang sakit na ito:
Kapag nagtatrabaho sa mesa, tiyakin na ang silyang kinauupuan ay nagbibigay ng tamang suporta sa likuran, at ang ginagamit na mesa at silya ay komportable.
Umiwas sa pagtatrabaho nang mahabang oras nang nakaupo. Nakapagpapakirot iyon sa mga masel sa likuran. Kapag nasa oras ng pagtatrabaho, o nasa loob ng kotse o eroplano, mag-umunat-unat ng buto at maglakad-lakad makaraan ang isang oras.
Kapag hinihingi ng trabaho ang pagtayo nang matagal, ipahinga ang isang paa sa isang mababang bangkito upang guminhawa ang likod. Kumilos nang ilang minuto.
Matulog sa isang sapad at matatag na higaan, o magkalang ng sapad na bagay sa ilalim nito.Gumamit ng mababang unan. Kapag matutulog, ugaliin ang paghiga nang pahalang upang ang vertebrae sa inyong gulugod ay makaayon, mabawi ng likido, at makarelaks ang mga masel ng likuran.
Mag-inat sa umaga. Batakin ang buto at kalamnan tuwing umaga. Bago tumayo mula sa kinahihigaan, mag-inat muna ng mga braso. Dalhin ang bawat tuhod sa dibdib.
Kapag naramdamang handa na ang katawan sa pagbangon, gumulong at gamitin ang mga bisig upang masuportahan ang katawan sa pagkakatayo mula sa kama. Ilapat ang mga paa sa ibaba, ilagay ang mga kamay sa kama, at tumayo nang dahan-dahan.
(Itutuloy)