Hindi laging panalo

Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano mo matutulungan ang iyong anak na tumanggap ng pagkatalo sa anumang larangan ng kanyang buhay.

Magkaroon ng ‘self-control’ – Nakakita ka na ba ng batang nagwala at nagpagulung-gulong sa lupa dahil lang natalo siya sa isang laro? Ang senaryong ito ay pangkaraniwan na sa mga bata, ngunit kung siya ay naturuan mong tumanggap ng pagkatalo, tiyak na hindi niya gagawin ito. Ngingiti lang siya at sasabihing “better luck next time”. Tatanggapin niya ang kanyang pagkatalo ng nakataas pa rin ang noo.

Kumpiyansa sa sarili – Kung matututunan ng mga bata na ang pagkatalo ay bahagi pa rin ng buhay, tiyak na magsusumigasig silang lalo para manalo o para makuha ang gusto nila. Sa ganitong paraan ay natutulungan mo rin ang iyong anak na magkaroon ng matibay na kumpiyansa sa sarili at maging “proud” sa kanilang kakayanan.

Matututo sa kanilang pagkakamali – Sa anumang pagkatalo, mayroon lagi itong iniiwan na leksiyon maging matanda ka man o bata. Sa ganitong paraan mas madaling mag-mature ang isipan ng bata at tatandaan niya ang mga pagkakamaling nagagawa niya ay mayroong epekto sa kanyang buhay. Kaya naman habang  lumalaki siya ay mas magiging maingat siyang gawin ang mga bagay na makakaapekto sa kanyang buhay.

Show comments