Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Bong, 24 years old at binata. Napagkakamalan po akong bading dahil sa mga kilos ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang galaw ko at pati mismong kaanak ko ay sinasabing bakla ako. Pero sa sarili ko ay alam kong lalaki ako. Hanggang sa may makilala po akong girl. Naging close kami dahil siguro akala niya “eba” rin ako. Unti-unti kong narararamdam na gusto ko siya. Kaso nahihiya akong magtapat at baka ako mabigo. Ano po kaya ang gagawin ko?
Dear Bong,
Lakasan mo ang loob mo. Hindi mo malalaman kung mahal ka niya kung hindi ka magtatapat. Wala namang mawawala sa iyo kung isisiwalat mo ang iyong nadarama sa isang babae. Huwag mo siyang biglain kundi magpahaging ka na sa kabila ng inaakala nila sa’yo ay hindi ka naa-attract sa lalaki. Katunayan ay may napupusuan kang babae at sana’y magustuhan ka rin. Tingnan mo ang kanyang magiging reaksiyon. Huwag kang matakot. Ang kabiguan ay bahagi ng pag-ibig.
Sumasaiyo,
Vanezza