Matapos natin talakayin ang benepisyo ng kelp o sea weeds narito naman ang mga benepisyong makukuha natin mula sa fish oil:
Nakakatulong na maibsan ang pamamaga at sakit ng katawan. Ang Omega 3 fatty acids, lalo na ang EPA ay mayroong positibong epekto sa anumang pamamaga ng iyong katawan. Tinutulungan kasi ng fish oil na maging normal ang iyong cycle ng iyong katawan kaya hindi ka agad kakapitan ng sakit gaya ng arthritis, prostatitis, cystitis at iba pang sakit.
Sakit sa puso. Isa sa numero unong benepisyo ng fish oil ay ang pagtulong nito na maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso at ugat nito. Tumutulong ang fish oil na mapababa ang cholesterol level ng iyong katawan. Dahil dito, napapahaba mo ang iyong buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malusog na puso.
Proteksiyon mula sa stroke. Kapag kumapal na ang cholesterol sa iyong dugo at bigla itong nabasag na parang pader sa iyong katawan, maaari itong bumara sa ugat na dinadaluyan ng iyong dugo patungo sa iyong utak at puso. Sa oras na magkaroon ka ng “clot” tiyak na aatakihin ka ng stroke at presto! Matitigok ka ng wala sa panahon. Kaya mas mabuting ugaliing kumain ng mga pagkaing mayaman sa omega 3 fatty acids dahil tutulong itong tunawin ang mga nakabarang fats at cholesterol sa iyong ugat.
Nakakapagpatalino. Malaki ang bentahe mo kung ikaw ay madalas kumakain ng pagkaing mayaman sa fish oil kapag ikaw ay nagdadalang tao. Nakakapagpatalino kasi ang fish oil dahil tinutulungan nito ang iyong utak na magkaroon ng “sharp memory”.
Mababang posibilidad ng pagkakaroon ng cancer. Tatlong uri ng cancer ang maaaring maiwasan sa regular na pagkaing mayaman sa fish oil. Ito ay ang breast, colon at prostate cancer. Dahil sa fish oil ay mananatiling normal ang cells sa iyong katawan.