“NAGMAMAHALAN na tayo, Avery! Wala nang bawian!” galak na galak na sabi ni Russell, hawak sa baywang na itinaas si Avery.
“Alam ko nang tanggap mo nang ikaw ay buhay pa! Gusto mo nang manatiling buhay, aking mahal!”
Hindi makapa ni Avery ang isasagot. Tama ba si Russell? Tanggap na nga ba niyang siya ay... buhay?
“G-gusto ko nang magbalik sa musoleyo, Russell. Ayoko na rito sa ospital.” Nagpapakahinahon si Avery, nakikiusap.
Napapabuntunghininga na naman ang binata. Hindi pa rin pala nabubura sa isip ng dalaga ang negatibong paniwala.
“Avery, walang patay na nasasarapan sa halik. Walang patay na kumakain at umiinom, naliligo etsetera.”
...... “Russell, nagkaroon ng kamaliang teknikal sa system ko. Kapag naremedyuhan ang technical problem na ‘to, natitiyak kong magiging normal na akong patay.”
Naningkit na sa inis si Russell. Kahit mahal na mahal niya si Avery, ang katigasan ng ulo nito ay nanliligalig sa kanyang pasensiya.
“Sagutin mo nga ako, Avery—ikaw ba ay isa pang virgin?”
Napaigtad ang dalaga, hindi inasahan ang direktang tanong.
Kinapa niya sa isipan ang kahulugan ng virgin. Siya ba ay wala pang naging karanasang seksuwal?
“Answer me, Avery.”
“Pero bakit pa, Russell? Ano ba ang kinalaman kung ako’y birhen pa o hindi na?”
“Malaki ang kaugnayan niyon sa buhay natin bilang new lovers, Avery. Kuwan, I want to know you better.
“Gusto kitang makilala nang lubusan.”
Napalunok si Avery. Kinapa sa diwa ang katotohanan. Siya ba ay nagkaroon na ng pakikipag-sex?
“Inosente pa ako, Russell. S-sa totoo lang, hindi pa ako nakakita sa personal ng lalaking totally naked, hubo’t hubad.
“Sa magasing panlalaki lamang ako nakakita ng male sex organ.”
“Kung gano’n Avery, birhen ka pa nga?”
Tumango ang dalagang ewan kung buhay o patay. (Itutuloy)